Wala Nang Hihilingin Lyrics – Sugarfree

Kung gisingin kita ngayon
Baka bigla kang maahon
Sa dagat ng iyong kapayapaan
Habang nakatigil pa ang iyong mundo
Unan ay panlaban sa gulo
Sinisugurong walang gagalaw sa’yo

Kung gabi matulog ka sa king tabi
Di mo lang alam, dala mo’y ligaya
Kung marinig mo ang tibok ng aking puso
Sinasabing habang ika’y kapiling
Wala na akong hihilingin

At kung bigla kang di mapakali
Kung pwede lang ako’y mekaniko
At panaginip mo ay kotseng aayusin ko
Kung maari lang kumutan ka
Sa ano mang bagyong babadya
Walang laban ang lamig sa init ng ating pag-ibig

Kung gabi matulog ka sa king tabi
Di mo lang alam, dala mo’y ligaya
Kung marinig mo ang tibok ng aking puso
Sinasabing habang ika’y kapiling
Wala na akong hihilingin