Tukso Lyrics – Slapshock

O tukso layuan mo ako
O tukso layuan mo ako
O tukso layuan mo ako
O tukso layuan mo ako

Sasagipin sa apoy ng pagdurusa
Lalanguyin ang malalim na bangin
Tatawirin kahit na anong humarang
Tatanggapin ikaw lang ang sasambahin

Mga tinik sa’yong dibdib
Maglalaho sa pag-idlip
‘Di na magdurusa
Mga galit at hinagpis
Unti-unting mawawala
Wala nang parusa
Layuan mo ako tukso

Malinaw pa sa tubig
Nilayuan, nilayuan ko na ang tukso
‘Wag nang matakot pang umibig
Ikaw na lang, ikaw na lang ang nasa dibdib
Maghihilom ang sugat mo
‘Di na lalapit sa tukso

O tukso layuan mo ako
O tukso layuan mo ako

Sasagipin, bituin sa kalawakan
Lalanguyin ang dagat ang apoy
Tatawirin kahit na sinong kalaban
Tatanggapin malayo man ang marating

Mga tinik sa’yong dibdib
Maglalaho sa pag-idlip
‘Di na magdurusa
Mga galit at hinagpis
Unti-unting mawawala
Wala nang parusa
Layuan mo ako tukso

Malinaw pa sa tubig
Nilayuan, nilayuan ko na ang tukso
‘Wag nang matakot pang umibig
Ikaw na lang, ikaw na lang ang nasa dibdib
Maghihilom ang sugat mo
‘Di na lalapit sa tukso

Matatapos na ang gulo
Tatapak muli sa lupa
Kahit na anong tukso
Ako ay lalayo sa’yo

Ano mang talim ng pangil
Unti-unti akong pinipigil
Na maging isang hangarin
Dasal ko sa Maykapal
Na ako’y iyong tulungan
Na tukso ay talikuran
Handa naman akong lumaban
Barilin man ng harapan

Malinaw pa sa tubig
Nilayuan, nilayuan ko na ang tukso
‘Wag nang matakot pang umibig
Ikaw na lang, ikaw na lang ang nasa dibdib
Maghihilom ang sugat mo
‘Di na lalapit sa tukso

You may also like...

What's on your mind